Sa mundong parang laging nagmamadali, gusto naming gumawa ng lugar na kabaligtaran nito.
Isang lugar kung saan okay lang ang mabagal. Kung saan puwedeng ilapag muna ang telepono, humigop ng kape, tumingin sa paligid, at makipagkuwentuhan.
Ang Gunamgunam ay hinango sa isang salitang Filipino tungkol sa pagninilay at paggunita. Filipino ang ugat nito—hindi lamang sa disenyo, kundi sa paraan nating mahilig magtagal sa hapag, mag-alok ng pagkain, at gawing mas mahaba ang simpleng kuwentuhan.
“May halaga rin ang paghinto.”
Dito sa San Miguel, Bulacan, gusto naming gumawa ng isang lugar na puwedeng maging bahagi ng mga ordinaryong araw na balang araw, baka maging alaala rin.